-- Advertisements --

LA UNION – Magbibigay ang Overseas Workers Welfare Administration o OWAA Regional Office 1 ng cash assistance sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado ng temporary travel ban sa mainland China, Hong Kong, at Macao dahil sa 2019 Novel Coronavirus acute respiratory disease o 2019 nCov outbreak.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay OWWA Region 1 Labor Communication Officer Geraldine Lucero, ang unang batch ng mga OFW’s na magtutungo sana sa China, HongKong at Macau, ang makakatanggap ng P10,000 pesos.

Ang nasabing cash assistance ay ibinibigay sa mga apektado OFW’s bilang pagsunod ng Department of Labor and Employment o (DOLE) at OWWA sa utos ni Presidente Rodrigo Duterte na matulungan ang mga ito matapos na ipatupad ng gobyerno ang travel ban.

Karamihan sa mga ito ay household service workers o domestic workers sa HongKong.

Sa mga OFW’s na apektado ng travel ban na gustong makatanggap ng cash assistance ay kailangan magsubmite ng mga requirements sa opisina ng OWWA.

Mahigpit naman ang paalala ni OWWA Region 1 officer in charge Director Gerardo Rimorin na gamitin lamang sa tama ang matatatanggap na cash assistance habang hindi pa alam kung kailan tatanggalin ng gobyerno ang travel ban.