Hindi tumitigil ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pakikipag-ugnayan sa otoridad sa Kuwait para agad na mailabas ang mga release papers ng mga distressed overseas Filipino workers (OFW).
Kasama ng DFA ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na sumasagot sa mga kakailanganing gastos ng mga OFW na makauwi sa Pilipinas.
Sinabi pa ni OWWA administrator Arnell Ignacio na halos araw-araw ay mayroong 10 hanggang 20 na OFW ang dumadagdag sa shelter nila sa Kuwait.
Karamihang kaso ng mga OFW na nagtutungo sa Kuwait ay nakaranas ng pananakit mula sa kanilang mga employers.
Sa mga susunod na araw ay mayroong naka-scheduled na pagpapauwi sa mga OFW na mula sa Kuwait.
Magugunitang nitong araw ng Biyernes ay nasa 102 na OFW mula sa Kuwait ang nakauwi na.