Ibinahagi ni Vice Presidential spokesperson Reynold Munsayac sa kanyang online post na siya ay na reassign bilang Assistant Secretary ng Department of Education.
Ani Munsayac, malugod niyang hinaharap ang mga bagong hamon sa paglilingkod sa kanyang bagong tungkolin sa kagawaran ng edukasyon mula sa Office of the Vice President.
Si Munsayac ay nagsilbing tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte simula June 2022 hanggang sa naupo siya sa DepEd post nitong Oktubre 1 ng kasalukuyang taon.
Aniya, inilipat siya sa department of education kasunod ng mga resignation at retirement ng ilan umano sa mga undersecretaries at assistant secretaries.
Matatandaang magkaklase sina Munsayac at Duterte sa law school sa San Sebastian College of Law. At nagtapos si Munsayac bilang class valedictorian noong 2005.
Noong 2016, si Munsayac ay itinalagang commissioner at acting chairman ng Presidential Commission on Good Government, at nanatili sa puwesto hanggang sa siya ay nagbitiw noong 2021 para sumali sa campaign team ni Duterte.