Nagpadala na rin medical team ang Office of the Vice President (OVP) sa Cebu City bilang tugon sa pangangailangan ng health system capacity ng lungsod sa COVID-19.
Kasabay nang send-off, nagpaabot din ng dasal si VP Leni sa team ng “Bayanihan Sugbuanon.”
“Sending them off with lots of prayers and a sense of pride over our young, dynamic team—parating handa, basta para sa bayan,” ani Robredo.
“We’d also like to thank everyone who is volunteering for our response operations in Cebu. Details on the initiatives will be out soon, once our team has assessed the most urgent needs in the area,” dagdag ba ng pangalawang pangulo.
Ang hakbang na ito ng tanggapan ni Robredo ay isa lang mula sa mga inisyatibong sinimula nito, kasama ang ilang private partners, mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic sa bansa.
Kabilang sa mga naging inisyatibo ng tanggapan ang:
-Distribusyon ng P53-milyong halaga ng personal protective equipment — mula sa abroad at local manufacturers — sa frontliners;
-Halos P8-milyong halaga ng food and care packages
-Pamimigay ng medical supplies sa mga ospital at iba pang institusyon
-Dormitoryo at libreng haircut service sa frontliners
-Shuttle service at pagbili ng COVID-19 test kits
-P12-milyong halagang tulong sa mga komunidad
-Paghahatid sa mga locally stranded individuals
-Paglulunsad ng community mart sa Pasig at Quezon City
-Donation drive para mamahagi ng gadget at equipment sa magbabalik eskwela; at pagtatayo ng learning hubs.
Nananatiling nakasailalim sa enhanced community quarantine ang Cebu City dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng sakit ng lungsod.










