Nagpatuloy sa pagpapalawak ng kanilang mga social services ang Office of the Vice President sa pamamagitan ng pagbubukas ng ika-10 satellite office nito sa Legazpi City, Albay sa kabila ng isiniwalat ng COA ukol sa paggasta nito para sa kanilang pasilidad.
Inanunsyo ng OVP sa ilalim ni Vice President Sara Duterte ang pagbubukas ng satellite office sa Bicol region.
Ayon kay Duterte, binuksan nila ang mga satellite office para mas mapadali ang access ng publiko sa mga serbisyo ng OVP.
Nakapagtayo na ang OVP ng iba’t ibang satellite offices sa Davao, Zamboanga, Cotabato, Tandag, Cebu, Bacolod, Tacloban, Isabela, at Dagupan bukod sa Mandaluyong City main office nito.
Ang pagtatatag ng ika-10 satellite office ng OVP ay dumating tatlong linggo matapos i-flag ng COA ang opisina ni Duterte dahil sa hindi pagsunod sa mga panuntunan sa pagbili sa agarang paglikha ng mga satellite office nito sa buong bansa.
Ibinunyag ng audit team na nabigo ang OVP na ganap na sundin ang mga proseso at pamamaraan na kinakailangan sa ilalim ng Republic Act No. 9184 at ang mga implementing rules and regulations nito sa pagbili ng plant, property, and equipment (PPE) at semi-expendable na kagamitan nito sa mga satellite office na nagkakahalaga ng to P668,197.
Sa tugon nito, na nakasaad din sa ulat ng COA, binanggit ng OVP ang time constraints na ipinataw ng procurement law bilang dahilan kung bakit ginawa ang mga pagbili sa pamamagitan ng reimbursement.