-- Advertisements --
Sisilipin ng Department of Agriculture (DA) ang usapin hinggil sa umano’y overpricing ng karneng baboy.
Ayon kay DA Sec. William Dar, makikipag-ugnayan siya sa hog industry patungkol sa pagtaas ng farm gate at market prices ng karneng baboy kamakailan.
Bagama’t batid aniya nila ang epekto ng African swine fever sa hog industry, tiniyak naman ni Dar na mayroong sapat na supply ng karneng baboy lalo na sa Visayas at Mindanao.
Dahil kakaunti ang supply sa Luzon, sinabi ng kalihim na mataas ang presyo ng karneng baboy ang kanilang namomonitor sa ngayon.