Naniniwala si House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette na kailangang i-outsource ang Philhealth services upang mapabilis ang tulong sa mga miyembro partikular duon sa mga na hospitalized.
Ayon sa Kongresista, mai-strealine kasi ang admin cost, mas magiging mabilis ang serbisyo at mababawasan na rin ang panloloko.
“Alam naman natin na ang bagal ng proseso kasi nga masalimuot ang pinagdadaanan and then nagkakaroon nga ng konting mga inefficiency dahil nga ‘yung mga nangyari noong nakaraan,” dagdag pa ni Garin.
Binigyang-diin ng dating kalihim ng Department of Health na dapat ang PhilHealth insurance ay kahalintulad ng mga private insurance o Health Maintenance Organizations (HMOs).
Paliwanag pa ng Iloilo solon, ang mangyayari ay para itong HMO, kapareho ng mga private insurance, i-outsource sa Luzon, Visayas and Mindanao sa pamamagitan ng government procurement process at kung sino ang manalo, siya ang magiging service provider.
Ang mananalong service provider ang siyang gagawa ng trabaho ng PhilHealth na makikipagugnayan sa mga ospital, healthcare providers and healthcare professionals.
Inihayag naman ng mambabatas posibleng magkaroon ng pagtaas sa premium pay sa sandaling may mga service provider na ang hahawak sa Philhealth.
Paglilinaw ng lady solon na hindi magiging mura pero pareho lang ang babayaran ng mga member ang magiging pagkakaiba nito ay ang efficiency.
Una ng inihayag ni Garin na ang pagtaas ng coverage ng benefits para sa mga PhilHealth members ay “doable.”
“Yes, it’s doable (ang pagbibigay ng additional benefits kahit hindi pa nagtataas ng premium pay ang PhilHealth). Ang PhilHealth ay isang insurance, it is a government insurance… Doable talaga at dapat taasan ‘yung coverage doon sa mga sakit na pwedeng magpahirap sayo,” pahayag ni Rep. Garin.