-- Advertisements --

Nanawagan ang retiring PNP (Philippine National Police) Chief na si Police General Debold Sinas sa 220,000-strong police force na suportahan ang papalit sa kanya na si Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo Eleazar.

Bukas, May 7, isasalin na ni Sinas ang kaniyang puwesto kay Eleazar sa isang traditional change of command ceremonies na gaganapin Sa Camp Crame bandang alas-2:00 ng hapon.

Magsisilbing presiding officer sa turnover ceremony si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kasabay ng pormal na pag-upo ni P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar bilang ika-26 na PNP chief.

Anim na buwang pamumunuan ni Gen. Eleazar ang PNP bago ang pagreretiro naman sa kanyang 56th birthday sa Nobyembre 13 ng taong ito.

Ayon kay Sinas, ang mahalaga ay magkaroon ng continuity of command para mapanatili ang momentum sa mga institutional programs and policies na kaniyang sinimulan.

Aniya, sa loob ng anim na buwan ay tiwala siya na “accomplished” ng PNP ang misyon nito.

“I urge you to give my classmate, Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo T Eleazar, the same 100 percent support you gave during the past six months under my watch,” pahayag ni Sinas.

Sina Sinas at Eleazar ay kapwa miyembro ng illustrious Philippine Military Academy (PMA) “Hinirang” Class of 1987 at ang dalawang miyembro ng PNP Command Group sina Pol. Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, the 3rd in command bilang The Deputy Chief for Operations; at si Pol. Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson, ang 4th in command bilang The Chief Directorial Staff.

Nagtapos si Eleazar ng cum laude at Top 4 ng PMA Class of 1987.

Siya ay tubong Tigkawayan, Quezon at anak ng World War II veteran.

Pagka-graduate nito sa PMA, agad siya na-assign sa Southern Luzon at nadestino rin bilang Criminal Investigation and Detection Group chief ng Central Luzon at Central Visayas.

Naging commander ng PNP Anti-Cybercrime Group, Quezon City Police Director, at National Capital Region Police Office.