ILOILO CITY – Hawak na ng Special investigation Task Group (SITG) ang limang potential witnesses sa pagpatay sa negosyanteng si Claire Diergos ng Deca Homes, Pavia, Iloilo na natagpuang wala nang buhay at puno ng saksak sa loob ng kanyang SUV sa tabi ng kalsada sa Inangayan, Sta. Barbara, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Raymund Celoso, hepe ng Sta. Barbara PNP, sinabi nito na pinipili na ng SITG kung sino ang may matibay na testimoniya sa mga witnesses.
Ayon kay Seloso, sa ngayon hindi pa nakuhanan nga mga judicial affidavit ang mga testigo.
Sinabi naman ng hepe na nas 50% na ang takbo ng kanilang imbestigasyon sa tulong ng Pavia PNP at ng SITG.
Mayroon na ring 15 na mga CCTV footages na pinanghahawakan ang Sta Barbara PNP at may karagdagang CCTV footages din ang Pavia municipal police station.