-- Advertisements --

ILOILO – Isinailalim agad sa lockdown ang Pedro L. Gindap Municipal Hospital sa Barbaza, Antique, matapos nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang isang doktor.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Antique Gov. Rhodora Cadiao, sinabi nito na ang nasabing doktor ay 53-anyos na babae na isinailalim na naka-facility quarantine.

Ayon kay Cadiao, nagpapatuloy na ang contact tracing sa tinatayang 40 katao na nakasalamuha ng doktor.

Kinabibilangan ito ng mga medical staff at mga pasyente sa ospital at nakatakdang isailalim sa reverse transcription polymerase chain reaction test.

Isasailalim din sa home quarantine ang mga pasyenteng kakalabas palang sa ospital bilang bahagi ng protocol.