-- Advertisements --

Kinalampag ni Senate committee on sports chairman Sen. Bong Go ang mga ahensya at organizers na may pangunahing papel sa SEA Games hosting dahil sa mga napaulat na aberya.

Ayon kay Sen. Go sa kaniyang privilege speech sa Senado kaninang hapon, ibinigay na ng gobyerno ang suporta at pondo para sa paghahanda ng venue at iba pang detalye, kaya walang dahilan para pumalpak sa nasabing aktibidad.

Giit ng senador, handa silang imbestigahan ang mga nagpabaya, pero gagawin ito kapag natapos na ang malaking sporting event.

Hindi raw sila magdadalawang isip na ipatawag sa mga susunod na linggo ang sinumang opisyal kung may makikitang basehan.