Naniniwala ang ilang political analyst na dapat hindi lamang tumutok ang mga opposition sa pagkontra kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay para maiwasan na maulit ang naging kapalaran ng Otso Diretso noong 2019 election na marami sa kanilang kandidato ang natalo.
Sinabi ni UP professor Rogelio Alicor Panao na walang malinaw na pang matagalang plataporma ang pagiging anti Duterte.
Dapat ipakita ng grupo na mayroon silang sapat na programa bukod pa sa pagiging anti-Duterte.
Nararapat aniya na matuto na ang mga ito sa pagkatalo noon ng Otso Diretso.
Ayon naman kay University of the Philippines political science department chairman at professor Herman Kraft na ang pagbatikos kay Pangulong Duterte lamang ay hindi makakatulong sa kampanya kung saan ito tumatakbo.