Kasunod ng madugong riot noong nakaraang linggo na ikinamatay ng siyam na persons deprived of liberty (PDLs) nagsagawa ang Bureau of Corrections (BuCor) ng “Oplan Galugad” sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) para siguruhing walang mga kontrabando na posibleng gamitin sa karahasan.
Ginalugad ng mga operatiba ng BuCor-NBP, Muntinlupa police, Bureau of Jail Managament and Penology (BJMP), PNP-Special Action Force (SAF) at National Capital Region (NCR)-Regional Mobile Force Batallion ang NBP Quadrant 4, Quadrant East – Bldg #5 at Quadrant 3, Quadrant South – Bldg #8.
Layon na rin ng naturang hakbang para mapigilan ang karahasan sa mga PDLs sa loob ng NBP.
Ang Building 5 at Building 8 kabilang ang mga kalapit na lugar ang target umano ng kaguluhan ayon base sa persistent intelligence reports.
Aabot naman sa 400 ang mga nakumpiskang 400 ipipagbabawal na items o bladed weapons at blunt instruments ang nadiskubre sa mga corners at compartments ng PDL’s cells, temporary shelters habang ang iba ay nakatago o nakahukay sa lupa.
Kasabay nito, muli namang kinausap ni BuCor Director General Gerald Bantag ang mga leader ng dalawang grupo kaugnay nang naganap na kagulugan.
Nagpasalamat ang BuCor sa tulong ng PNP lalo na sa suporta ni PNP NCR Regional Director Debold noong isagawa ang oplan galugad.