-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naniniwala si Liga ng mga Barangay President Reynaldo Mariano sa bayan ng Solsona na paninira ay may halong pulitika ang akusasyong nagpaputok ng baril sa kanilang barangay.

Base sa akusasyon, palagi raw itong ginagawa ng naturang opisyal.

Ngunit ayon kay Mariano, nang gabing mangyari ang sinasabing nagpaputok ito ng baril ay nasa loob lamang ito ng kanilang bahay at marami umano makapagpapatunay.

Iginit nito na hindi niyakayang gawin ang alegasyon dahil alam nito ang batas at nasa pangangalaga ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang bayan ang kanyang baril.

Dagdag pa nito na kahit umiinom ito ng alak ay alam pa rin nito ang kanyang ginagawa.