DAVAO CITY – Pinayuhan ngayon ang publiko na may transaksiyon sa regional office sa Civil Service Commission (CSC-11) na mas mabuting bisitahin muna ang kanilang Facebook page para sa mga paalala matapos na temporaryo muna nilang isasailalim sa lockdown ang kanilang opisina dahil nagpositibo ang ilan sa kanilang mga empleyado pati na rin ang ahensiya ng Land Transportation Office (LTO) Davao.
Una ng napag-alaman na nasa limang mga empleyado ng CSC-11 ang nahawa ng virus dahilan na hanggang Hulyo 18 isasailalim sa lockdown ang opisina.
Samantalang ang LTO office ay isinailalim rin sa lockdown hanggang Hulyo 9 dahil pa rin sa mga empleyado na nagpositibo sa covid-19.
Isasailalim ang nasabing mga opisina dahil sa isasagawang disinfection ito ay para masiguro na ligtas ang mga kliyente kung magpapatuloy na sila sa kanilang operasyon.
Una ng sinabi ni Michelle Schlosser, spokesperson Davao City COVID-19 Task Force, hindi dapat madismaya ang mga empleyado o opisina sa ipapatupad na lockdown dahil ginagawa lamang ito para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga nahawa ng virus at hindi rin mahawa ang mga kamag-anak nito.










