-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Sinimulan sa kanyang bayan ni presidentiable Manny Pacquiao ang opening salvo ng pangampanya sa pamamagitan ng pag-pray over sa mga kandidatong lokal.

Pasado alas-2:00 ng hapon nagsimula ang caravan ng Team Pacquaio mula sa Barangay Bawing sa lungsod na boundary ng Sarangani Province.

Nagkatipon ang mga supporters ni Pacquiao sa oval plaza hanggang alas-7:00 ng gabi.

Tampok sa proclamation rally ang iba’t ibang kandidato na nagmula pa sa karatig probinsya para suportahan si Pacquiao.

Naging sentro sa pag-aaliw sa crowd ang mga kanta ni Freddie Aguilar na hango sa talambuhay ni Pacquiao.

Kasama rin sa nagbigay saya sa mga supporters si Bianca Manalo.

Habang naipresenta din ang linyada ng mga senador ng Team Pacquiao sa pamamagitan ng video .

Inabangan din ang pagdating ng first lady ni Pacquiao na si Jinkee at ina nitong si Mommy Dionesia Pacquiao.

Matapos sa Gensan tumulak ang kampanya ni Pacquiao papuntang west na bahagi nitong rehiyon. Nagtapos ang opening salvo ng kampanya sa pamamagitan ng fireworks display.