Inanunsiyo ng Palasyo Malacanang na kaialngan ng regular na RT-PCR tests ang mga onsite employees sa public at private sector sa mga lugar sa ilalim ng Alert level 2 at pataas.
Ito ay kasunod ng resulta ng naging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ (IATF) para ma-update ang testing requirements para sa mga hindi bakunadong empleyado.
Ayon kay Acting presidential spokesperson and Palace Communications Secretary Martin Andanar, minamandato na ang lahat ng mga establishimento sa mga lugar na mayroong sapat na suplay ng COVID-19 vaccine na dapat bakunado laban sa COVID-19 ang kanilang mga on-site workers.
Habang ang mga hindi naman bakunado ay kaialngang sumailalim sa RT-PCR tests isang beses kada daalwang linggo o antigen tests kada linggo.
Ang mga empleyado sa public sector kabilang ang mga LGUs ang maaaring sagutin ang magagastos ng mga empleyado para sa RT-PCR o antigen tests subalit subject sa availability ng pondo at civil service , accounting at auditing rules and regulations.
Exempted naman mula sa bagong testing requirements ang mga empleyado na dinapuan ng COVID-19 sa loob ng 90 araw na amy alternative working arrangements na hindi require ang on-site work.










