Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga online selleres na huwag samantalahin ang paghina ng halaga ng Philippine peso para magtaas ng presyo sa mga imported goods.
Ipinunto ni Trade Assistant Secretary Ann Claire Cabochan na dapat pa ring sumunod sa price guidelines na itinakda ng DTI ang mga online seller na nag-aangkat ng kanilang mga ibinibentang produkto mula sa ibang bansa.
Paliwanag nito na walang kontrol ang ahensiya sa mga presyo kung sakaling may paggalaw sa presyo kabilang ang fluctuations ng sa halaga ng peso at iba pang factors sa ating supply chain disruption na nagkakaroon ng epekto.
Maalala nitong araw ng Lunes, nagsara ang halaga ng Philippine peso sa P59 kontra isang dolyar. Ito na ang ika-12 all-time low sa halaga ng Peso ngayong taon.
Nagpaalala din ang DTI sa mga online sellers na iwasan gumawa ng hindi patas na trade practices dahil may umiiral na batas dito at nagbabalang kanilang hahabulin at pananagutin ang sinumang mananamantala dito.
Sa pagtaya ng DTI mayroong kasalukuyang 2 million enterprises ang kabilang sa e-commerce, mahigit doble sa 750,000 na kanilang projections sa ilalim ng 2021 roadmap.
Nakatanggap din ang ahensiya ng halos 9,000 reklamo ngayong taon mula sa mga consumers na gumagamit ng online selling platforms.