-- Advertisements --

Ibinida ng National Telecommunications Commission ang pinakabago nitong automated platform para sa licensing and permitting processing.

Ito ay matapos na inilunsad ng naturang komisyon ang Online Processing System with Digital Payment System project nito na alinsunod naman sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na madaliin ang pagpapatupad ng digitalized government processing upang tiyakin na magiging mabilis ang pagseserbisyo ng pamahalaan sa taumbayan.

Layunin ng proyekto na ito na pabilisin pa ang pagpo-proseso ng issuance ng mga lisensya, permit, certificate, authorizations, at clearances para sa mga telecommunications at internet infrastructures.

Ayon sa komisyon, ipapatupad ang pilot implementation ng nito sa Licensing Management of the Networks and Facilities Division at ng Services and Interconnection Division na kapwa na sa ilalim ng pamumuno ng Regulation Branch ng naturang ahensya.

Dagdag pa ng NTC, sa darating na Setyembre 2023 ay inaasahang ilulunsad ang Digital Payment System bilang paghahanda sa grand launch ng Online Processing System with Digital Payment System sa Oktubre 2023.