-- Advertisements --

Inaprubahan ng Office of the Ombudsman ang filing ng graft charges laban sa dalawang dating opisyal ng Department of Agriculture hinggil sa umano’y anomalya sa 2018 contract para sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Integrated Marine Environment Monitoring System Project Phase II (PHILO Project).

Sa isang resolusyon na inaprubahan ni Ombudsman Samuel R. Martires, kakasuhan sina dating DA undersecretary for fisheries Eduardo B. Gongona and former BFAR national director Demosthenes R. Escoto.

Si Gongona at Escoto ay sasampahan ng two counts sa paglabag sa Section 3(e) of Republic Act (RA) 3019, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act; isang count ng violation sa Section 3(g) of RA 3019; at isang count ng violation of Section 3(j) of RA 3019.

Iniutos din na kasuhan sa anti-graft court si Simon Tucker ng SRT Marine Systems Solutions, Ltd.

Sa kabilang banda, ibinasura ng OMB ang mga reklamo laban kay dating DA assistant secretary Hansel O. Didulo at Richard Hurd ng SRT “for lack of probable cause.”

Samantala, ang pagsasampa ng mga kaso ay inirekomenda ni Graft Investigation and Prosecution Officer II Cezar M. Tirol II.