-- Advertisements --

Ilalabas ng Filipino-American singer Olivia Rodrigo sa darating ng Hunyo 30 ang kaniyang bagong kanta.

Sa kaniyang social media ay ipinost ng singer ang anunsiyo sa paglabas ng bagong kantang “Vampire”.

Una ng naghinala ang mga fans nito na maglalabas siya ng bagong kanta matapos niyang palitan ang expiry date ng kantang “drivers’ license” ng Hunyo 30, 2023.

Magugunitang nagwagi ng tatlong Grammy Awards ang singer kabilang ang Best New Artist kung saan tinalo rin nito ang kapwa Filipino-American singer na si Saweetie, Best Pop Solo Performance sa kanta nitong “drivers license” at Best Pop Vocal Album na “Sour”.