Matuturing na record breaking ang pagbabalik sa NBA bilang pinakamatanda na aktibo pa rin na naglalaro sa Miami Heat na si Udonis Haslem sa edad na 42-anyos.
Kinumpirma ni Haslem na pumayag sya na pumirma ng deal sa Miami para bumalik sa kanyang ika-20 season sa halagang 2.9 million US dollars para sa isang taon na kontrata.
Dahil dito nakahanay na ni Haslem ang mga NBA legends na sina yumaong Kobe Bryant ng Lakers at Dirk Nowitzki ng Mavs na tanging mga players na umabot sa ika-20 taon sa iisang team lamang.
Si Haslem ay bahagi noon ng tatlong BESES na pagkampeon ng Miami at siya ang all time leader sa rebounds ng kanilang prangkisa.
Nitong mga huling nakaraang taon miminsan lang siyang ipasok sa game, pero malaki naman ang kanyang papel sa pagbibigay inspirasyon sa mga mas batang players ng Heat.