Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na nananatiling normal ang pagdating ng oil shipments sa bansa at wala pang naitatalang kanselasyon sa ngayon, ayon kay Commissioner Ariel Nepomuceno.
Gayunman, sinabi niyang karamihan sa mga shipment ay naipadala mula sa Middle East bago pa sumiklab ang tensyon, at dahil inaabot ng 14 hanggang 20 araw ang biyahe, posibleng makaranas ng pagbaba ng suplay sa mga susunod na linggo kung lalala ang sitwasyon.
Kaugnay nito, bumuo na ang BOC ng task force para sa araw-araw na monitoring ng mga inaangkat na produktong petrolyo upang matukoy kung may kanselasyon o pagkaantala.
Sa ngayon, wala pang oil shipment na nakansela, ngunit may ibang imported goods na naantala o kinansela na.
Iniutos na rin ng BOC ang pagpapabilis ng pagproseso at pagpapalabas ng mga oil shipment upang agad itong makarating sa merkado.













