-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad ng mga kumpanya ng langis ang P0.20 na bawas sa kada litro ng gasolina at diesel.
Mayroon namang P0.50 na pagbawas sa kada litro ng kerosene.
Ito ang unang pagkakataon na nagpatupad ng bawas presyo ng langis matapos ang 11 linggong magkakasunod na dagdag presyo.