-- Advertisements --

Naniniwala si Director Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng Department of Energy, na mahigit sana sa piso ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo kung hindi lamang humina ang piso laban sa dolyar.

Kung maaalala nakasandal ang Pilipinas sa suplay ng langis mula sa mga inaangkat sa ibang bansa.

Una nang lumutang ang impormasyon na posibleng mag-rollback sa susunod na Linggo ang krudo sa P0.70 kada litro, habang ang gasoline naman ay maaaring mag-rollback ng P0.80 bawat litro.

Ang naturang halaga ay pwedeng pang magbago.

Sa darating na Lunes pa kasi pinal na maglalabas ng kanilang mga presyuhan ang mga kompaniya ng langis kung magkano ang ibabawas, para naman sa implementasyon sa araw ng Martes.