-- Advertisements --
Magpapatupad ng bawas presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Tinatayang mula P0.10 hanggang P0.20 sa kada litro ang ibabawas sa diesel at kerosene.
Mayroon namang mula P0.20 hanggang P0.40 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina.
Magiging epektibo ang nasabing rollback sa araw ng Martes Nobyembre 26.
Ito na rin ang pang-siyam na rollback sa mga presyo ng produktong langis sa bansa.