-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang bawas presyo sa kanilang mga produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad ang P3.05 na bawas sa kada litro ng gasolina.
Mayroong P2.45 na bawas naman sa kada litro ng diesel at P3.00 naman ang ibinawas sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang pangalawang sunod na bawas presyo ng mga produktong langis sa bansa.