Isinasapinal na ng administrasyon ni US President Donald Trump ang plano para sa oil at gas drilling na gagawin sa Arctic National Wildlife Refuge sa Alaska.
Kabilang ito sa mga hakbang ng Estados Unidos para talakayin ang halos isang dekada nang paksa hinggil sa pagrerenta sa naturang pristine wilderness area bago pa man ang posibleng pagbabago sa US leadership.
Sinabi ni Alaska Governor Michael Dunleavy na ang pagbubukas sa drilling ng ANWR ay magiging dahilan umano upang magkarron ng mas marami pang job openings at para na rin palakasin ang ekonomiya ng estado.
Hindi naman ito suportado ng Democrats, kabilang na sina presidential hopeful Joe Biden at iba’t ibang green groups. Magbibigay daan daw kasi ito sa mga Big Oil para mapinsala ang unique ecosystem ng Arctic at maging ang mamamayan nito.
Ayon naman kay Interior Department Secretary David Bernhardt, maaaring simulan ang oil at gas lease sa ANWR bago matapos ang taong 2020.
Noong 2017 ng ipasa ng mga Republicans sa senado ang panukala na magbubukas sa nasabing lupain para sa oil at gas lease. Isa ito sa mga hakbang ni Trump para palawigin pa ang fossil fuel production.
Ang 19 million acre (7.7 million hectares) ng lupain ay tahanan ng wildlife population tulad ng porcupine caribou at polar bears.