-- Advertisements --

Sinimulan na ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagsusuri maging sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na napauwi mula sa mga bansang may kaso ng coronavirus (COVID-19).

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, 20,000 workers ang kanilang isasalang sa test.

Gagamitin umano nila ang newly-inaugurated molecular laboratory na nasa Logistics Center sa Mandaluyong City.

Sinabi pa ni Gordon na balak nilang maglagay ng 20 dagdag na testing area para mas maraming masuri at mabigyan ng angkop tugon at tulong ang mga matutuklasang positibo sa COVID-19.