LA UNION – Wala pa umanong abiso ang Philippine Embassy sa Lebanon hinggil sa gagawing mandatory repatriation sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) hinggil sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at bansang Iran.
Sinabi ni Jemadel Casem Mapili, na halos 10 nang nagtatrabaho bilang domestic helper sa Beirut, Lebanon, maayos pa ang kanilang kalagayan sa kabila ng kaguluhan sa kanilang lugar.
Kahit ipinapatupad na ang mandatory repatriation sa mga Pilipino sa Lebanon, sinabi ni Mapili na hindi siya makikibahagi rito.
Isasama raw kasi siya ng amo sa Jordan at France para lumikas katulad ng kanilang ginawa aniya noong 2016.
Sinabi naman ni Normita Gadia Rapiñan na nakahanda siyang umuwi sa Pilipinas dahil sa papayagan naman daw siya ng kanyang amo.
Aabot aniya sa 1,000 OFW ang nakahandang sumama sa mandatory repatriation.
Dagdag pa nito, kahit mababait ang kanyang mga amo ay hindi na ito babalik pa sa nasabing bansa dahil na rin sa bagsak ang ekonomiya ngayon ng bansang Lebanon.