-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nanawagan ngayon si Bombo Radyo international correspondent Analiza Montalban sa gobyerno ng Pilipinas na tulungan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Italy na apektado ng COVID-19.

Ayon kay Analiza, tubong Davao City at kasalukuyang nagtatrabaho sa Italy, ilan sa mga kapwa Pilipino sa bansa ay nahihirapan na makahingi ng tulong konsulada.

Maging ang mga OFWs na nagpositibo sa COVID-19 sa Italy ay hirap aniyang makahingi ng tulong sa konsulada dahilan kung bakit ilan sa mga ito ay binawian ng buhay. 

Kung mayroon man, sinabi ni Analiza na food assistance lamang kasi ang natatanggap ng ilang mga OFWs doon.