-- Advertisements --

Nakalabas na sa ospital nitong Lunes si Gelienor “Jimmy” Pacheco, isang Pinoy caregiver na bihag at pinalaya ng Hamas.

Base sa video mula sa Israel Ministry of Foreign Affairs, makikita si Pacheco na nakangiti at sinalubong ng palakpakan at pag-awit ng kanyang pangalan kasabay ng kaniyang paglabas sa Shamir Medical Center.

Sa nasabing ospital isinailalim sa medical evaluation si Pacheco matapos ang halos 50 araw na pagkakabihag nito sa kamay ng militanteng Hamas.

Nakatakda namang umuwi sa Pilipinas si Pacheco sa Disyembre ayon na rin sa Department of Foreign Affairs.