
Itinakda ng Catholic dioceses sa PH ang Oktubre 27 ng kasalukuyang taon bilang araw ng pagdarasal, pag-aayuno at pagpepenitensiya para sa kapayapaan bilang tugon sa panawagan ni Pope Francis kaugnay sa madugong giyera sa pagitan ng Israeli forces at militanteng Hamas.
Pinangungunahan ito ng Archdiocese ng Manila na naglabas na ng circular nitong Lunes na nagmamandato sa lahat ng clergies na mag-organisa ng mga inisyatibo para sa pagdarasal.
Kaugnay nito, hinikayat ni Vice Chancellor Fr. Carmelo Arada Jr. ang kaniyang kapwa pari para magsagawa ng liturhiya gaya pagdarasal ng rosaryo.
Ang mga karatig na diocese sa Luzon gaya ng San Carlos sa lalawigan ng Pangasinan at Malolos sa Bulacan ay nag-isyu na rin ng kani-kanilang circular kaugnay sa araw ng pagdarasal para sa kapayapaan.
Sa katimugang bahagi naman ng PH, sinabi ni Bishop Edwin Dela Pena ng Prelature of Marawi na makikiisa sila sa lahat ng pro-lifers at pece advocates sa pagpapanawagan para sa ceasfire at malayang acess ng lahat ng humanitarian life support system sa Gaza at apela para sa pagpapalaya ng mga bihag.
Kung maaalala, una ng umapela si Pope Francis sa mananampalataya noong oktubre 18 para saday of prayer at fasting para sa kapayapaan at inanyayahan ang mga mananampalataya ng iba’t ibang Christian denominations at ibang religious traditions para makiisa sa naturang inisyatiba.










