-- Advertisements --

Nakikiisa rin sa selebrasyon ng Eid’l Adha ang Office of Civil Defense (OCD) sa pangunguna ni Defense Sec. Gilberto Teodoro.

Sa isang pahayag, nagbigay ng kaniyang pagbati ang kalihim sa mga Muslim Communities sa bansa bilang paggunita sa Feast of Sacrifice sa Islam.

Ipinaalala ng kalihim na ang okasyon na ito ay nagpapakita ng malakas na pananampalataya, kahalagahan ng sakripisyo at maging ang pagbibigay ng serbisyo sa kapwa Pilipino.

Kasunod nito ay nananawagan naman si Teodoro na sa selebrasyon ng Eid’l Adha ay mainam na magsagawa ng pagninilay, pagbibigayan at pagpapalakas ng ugnayan sa pamilya at maging bilang bahagi ng komunidad.

Samantala, nagpasalamat naman si Teodoro sa mga Muslim na nasa serbisyo sa ilalim ng kagawaran gayundin sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na siyang nagtatrabaho para sa kapayapaan at pagpapanatili ng seguridad ng bansa at maging ng soberanya ng bansa.