Hinimok ng Office of Civil Defense ang publiko na makibahagi sa panghuling Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong taon.
Ang 4th quarter drill ay nakatakdang ganapin sa araw ng Huwebes, Nov.9, 2023, ganap na alas-9 ng umaga.
Ang quarterly drills na pinangungunahan ng Civil Defence office ay itinatakda ng batas at isinasagawa kada taon, para makabuo ng awarenes o kamalayan sa publiko, sa mga pagkakataon na may mga pagyanig.
Dito ay ipinapakita ang ibat ibang istratehiya na maaaring gawin ng publiko sa oras na may mga mangyaring pagyanig, pangunahin na ang duck, cover, and hold.
Hinihikayat ng ahensiya ang ibat ibang ahensiya ng pamahalaan, akademiya, mga grupo at organisasyon, na makibahagi sa nationwide drill, upang mapataas pa lalo ang kamalayan ukol dito.