-- Advertisements --


BOMBO DAGUPAN – Isinagawa ngayong araw ang oath taking ng mga nurses na pumasa sa board exam sa buong rehiyon uno na ginanap sa CSI stadia sa syudad ng Dagupan.

Sa panayam kay Ma. Cecilia T. Biascan, ang President ng Pangasinan Chapter at Honorary Chairperson, ito ang kanilang unang pagkakataon na pangunahan ang oath taking ceremony na ito na dinaluhan ng board of nursing galing sa PIC at ng national president na galing naman sa Philippine Nurses Association (PNA).

Aniya senyales ng naturang seremonya ang pagsisimula ng career ng mga naturang indibidwal.

Mandatory aniya ang pagsasagawa nito dahil hindi sila maaaring makapagsimula hangga’t hindi sila nagkakaroon ng panata sa kanilang magiging tungkulin sa bansa.

Dinaluhan din ang naturang selebrasyon ng 280 na speakers galing sa iba’t ibang rehiyon kasama rito ang ilang mga top notchers.

Kasama ng mga estudyanteng magsasagawa ng kanilang panunumpa ang kani-kanilang mga magulang.