CAUAYAN CITY – Itinuring ng pamunuan ng Nueva Vizcaya Electric Cooperative (NUVELCO) na isang isolated case lamang ang naging Viral post ng isang member consumer na nabigyan ng mahigit 6 Million Pesos na Electric Bill para sa buwan ngayong Hulyo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay General Manager Frederico Salvador ng NUVELCO, humingi siya ng paumanhin sa nasabing insidente ng sobra-sobrang charge sa isang member consumer.
Inamin niya na natriple ng kanilang Electric Reader ang numero sa reader device na nagsanhi upang magkaroon ng Php6,704,562.13 na electric bill ng nagreklamong Member Consumer.
Nanindigan naman ang tanggapan na walang problema sa kanilang system at human error lang ang nangyari dahil hindi umano agad napagtanto ng electric reader.
Nadodouble check naman aniya ang mga ito dahil makikita naman ang kuryente sa resibo at ang nasa metro.
Tiniyak din niya na magkakaroon sila ng disposisyon sa nasabing insidente.