Binatikos ng grupong Filipino Nurses United (FNU) ang anila’y hindi patas na umento sa sahod ng mga nurses, lalo na’t may hinaharap na health crisis ang bansa dahil sa COVID-19.
Reaksyon ito ng FNU sa Section 8 ng Circular 2020-4 ng Department of Budget and Management (DBM) kung saan nakasaad na pareho na sa sweldo ng Nurse 1 ang matatanggap ng mga Nurse 2 sa ilalim ng salary grade 15.
Habang ang mga Nurse 3 hanggang Nurse 6 na level ay mapupunta sa mas mababang rank. Inalis din ng DBM ang posisyon ng Nurse 7 kasabay nang paglilipat ng salary grade 24 nito sa mga Nurse 6.
“FNU finds these provisions very unfair for the nurses for it would not honor their years of hard work and government service. Even though the DBM calls it the reclassification or change of position attributes, it is essentially a downgrading of their positions.”
Ayon sa grupo, hindi nakahanay sa probisyon ng Sections 6,2, at 3 ang Section 8. Nakasaad kasi sa tatlong seksyon ng DBM Circular na: “No changes in designation or nomenclature of positions resulting in a promotion or demotion in rank or increase or decrease in compensation shall be allowed, except when the position is actually vacant.”
Pinuna rin ng FNU ang hindi pagkakasali ng mga contractual nurses, lalo na sa mga local government units, sa mga nabibigyan ng dagdag sa sahod.
“It is not fair that the rest of 48,316 government nurses (DOH, SUCs, GOCCs, NGAs and local) won’t be receiving any pay increase and yet they have been strapped of their well deserving regular positions.”
“Nurse counterparts in the private sector who receive at an average of P10,000 a month, deserves the raise in pay, too.”
Nanawagan ang grupo sa DBM na muling silipin at pag-aralan ang mga probisyon ng circular para mabigyan ng umento sa sahod ang lahat ng nurses sa Pilipinas. Ito’y bilang tugon na rin sa layunin ng Philippine Nursing Law.
“At this time of COVID-19 pandemic, where nurses are putting their lives on line, they need all the compassion and support from government for them to actually feel that they are valued and cared for.”