Pinapaalalahanan ng Metropolitan Development Authority ang mga motorista na balik na ang pagpapatupad ng number coding ngayong Abril 1 sa Metro Manila.
Ito ay matapos na suspendihin mula Marso 27 hanggang 29 kasabay ng pag-obserba ng Holy week, ang pinakasagradong linggo sa liturgical year ng Simbahang Katolika.
Sa Advisory ng MMDA, ipinatupad ang polisiya sa number coding simula kaninang 7am hanggang 10am at mamayang hapon 5pm hanggang 8pm para sa weekdays maliban sa weekends at holidays.
Binigyang diin ng ahensiya na sa ilalim ng number coding, pinagbabawalan ang mga sasakyan na bumiyahe sa mga kakalsadahan ng Metro Manila base a huling numero ng kanilang plaka sa itinakdang coding hours.
Exempted naman sa number coding ang mga pampublikong sasakyan kabilang ang mga tricyle, transport network vehicle services, Motorcycles, Garbage trucks, Marked government vehicles, Fuel trucks, Marked media vehicles, Fire trucks, Ambulances at Motor vehicles na nagdadala ng perishable at essential goods.