Isang panalo na lamang ang kailangan ng Denver Nuggets upang muling umusad sa finals ng Western Conference.
Ito ay matapos muling tambakan ng Nuggets ang Phoenix Suns sa Game 5 ng kanilang tapatan, kung saan natapos ang nasabing laro sa score na 118 – 102.
Naging susi pa rin sa panalo ng Nuggets si 2x NBA-MVP Nikola Jokic, na nagbuhos ng 29 points, 13 rebounds at 12 assists na triple-double.
Kapwa nag-ambag naman ng tig-19 points sina Jamal Murray at Michael Porter Jr.
Sa unang quarter pa lang ay nagpakitang-gilas na ang Nuggets matapos umabanse ng 9 points laban sa Suns.
Nagawa namang humabol ng Suns pagpasok ng 2nd quarter at nakayang dumikit sa Nuggets.
Gayunpaman, pagpasok ng 3rd Quarter ay umabanse ng husto ang Denver matapos nilang tambakan ng 15 points ang Suns.
Mula rito ay nagawa ng Nuggets na depensahan ang kalamangan hanggang sa matapos ang laro.
Sa pagkatalo ng Suns, nagpasok ng 28 points si Devin Booker habang nagdagdag naman ng 26 points 11 rebounds si NBA superstar Kevin Durant