-- Advertisements --

Pinaghandaang mabuti ng Denver Nuggets ang Game 3 Western Conference finals nila ng Los Angeles Lakers sa AdventHealth Arena sa Orlando.

Ito ay dahil hawak na ng Lakers ang 2-0 na record sa best of seven na laro nila.

Kakaibang diskarte aniya ang gagawin nila ngayong Game 3 matapos na matalo sila ng dalawang puntos lamang noong Game 2.

Ayon kay Nuggets coach Michael Malone na sila ang grupo ng mga kalalakihan na ayaw matalo.

Magugunitang nakuha ng Lakers ang unang panalo 126-`114 at naulit pa noong Game 2 sa score 105-103.

Gaganapin ang laro ng dalawa dakong alas 9 ng umaga oras sa Pilipinas.