-- Advertisements --

Desidido na ang NBA defending champion Denver Nuggets na tapusin na ang Western Conference semifinals nila ng Minnesota Timberwolves.

Hawak kasi ng Nuggets ang 3-2 na kalamangan kung saan isang malaking hamon lamang ngayon sa kanila ay sa homecourt pa ng Timberwolves gaganapin ang Game 6.

Maliban pa dito na mayroong dalawang star players nila ang nangangambang hindi makapaglaro dahil sa injury ito ay sina Jamal Murray at Vlatko Cancar.
Tanging si Mike Conley lamang ang nasa injury list ng Timberwolves.

Sakaling matapos na ng Nuggets ang serye ay maituturing na ito na ang tinaguriang shocking playoff turnarounds sa kasaysayan ng NBA.

Ito ay dahil natalo ang Nuggets sa dalawang home game nila at nagsimulang lumamang sa serye ang Minnesota 0-2.

Ang huling koponan na nakabangon sa 0-2 sa playoff serieis ay ang Los Angeles Clippers noong 2021 laban sa Dallas Mavericks.