-- Advertisements --

Tinambakan ng Minnesota Timberwolves ang Denver Nuggets para maipilit nilang mapaabot ang paghaharap hanggang Game 7.

Nagtapos ang kanilang laban kanina sa score na 115-70, pabor sa Wolves, kaya naging 3-3 ang serye.

Marami naman ang humanga sa Minnesota sa kanilang diterminasyon dahil ang 45-point victory ay second-largest win ng isang team na nahaharap sa elimination.

Nanghinayang naman ang fans ni league MVP Nikola Jokic dahil tila nawalan ng saysay ang 22 points nito para sa Nuggets.

Ang do-or-die Game 7 matchup ay magaganap naman sa Linggo sa bakuran ng Denver.