-- Advertisements --
Ginulat ng Denver Nuggets ang Los Angeles Clippers makaraang mamayani sa Game 5 ng NBA semifinals sa score na 111-105.
Kung sa akala ng Clippers ay agad na silang uusad sa finals ng Western Conference, nagkamali sila dahil kumayod ng husto sa opensa ang Denver lalo na sa second half ng laro para iposte ang ikalawang panalo.
Bagamat abanse pa rin ang Clippers na merong tatlong panalo na.
Nagsama-sama ng pwersa sina Jamal Murray na may 26 points, Nikola Jokic na nagtala ng 22 points at si Paul Millsap na umeksena rin sa kanyang 17 puntos.
Sa kampo ng Clippers nasayang ang 36 points ni Kawhi Leonard at ang 26 points naman ni Paul George.
Ang Game 6 ay gagawin sa Lunes.