-- Advertisements --
image 295

Inilatag na ng Department of Energy ang ilang mga plano nito para sa posibilidad ng paggamit ng Nuclear energy sa bansa.

Sa inisyal na plano ng kagawaran, maaaring aabot sa 2,400 megawatts ng nuclear capacity ang kakailanganin ng bansa para masuportahan ang energy sector hanggang sa 2035.

Ang nasabing proposal ay bahagi ng patuloy na binubuong Philippine Energy Plan 2023 to 2050.

Sa ilalim nito, walong unit ng 150 megawatt na maliliit na modular reactors ang maaaring mailatag hanggang sa 2023, at 1,200 megawatt ng nuclear capacity ang inaasahang maidadagdag hanggang 2035.

Ayon kay Michael Sinocruz, ang director ng DOE-Policy and Planning Bureau, wala pang katiyakan sa ngayon kung gaano kalaki ang nuclear capacity na mailalagay sa kabuuan ng plano.

Hindi rin isinasantabi ng kagawaran ang muling pagbuhay sa 620-megawatt na Bataan Nuclear POwer Plant na hindi napapakinabangan ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, ayon kay Sinocruz, may ilang proposal na silang natanggap mula sa ilang interesadong kumpanya na nag-aalok ng feasibility studies para sa Bataan Nuclear Plant.

Maalalang sa unang State of The Nation Address ni