Nanagko ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 na dagdagan quarantine facilities sa Laguna para sa mga pasyenteng nahawa sa sakit pero asymptomatic o nakakaranas ng mild na sintomas.
Sa isang statement, sinabi ni NTF deputy chief implementer and testing czar Secretary Vince Dizon na iko-convert ng pamahalaan ang Cabuyao Athletes Basic School bilang karagdagang isolation facility sa lungsod katuwang ang DPWH.
Nakipagpulong na ang NTF sa lokal na pamahalaan ng Cabuyao at San Pablo City pati na rin sa mga stakeholders para palakasin ang kanilang partnership at koordinasyon sa pagtugon sa COVID-19 crisis.
“Kailangan po in place ang ating mga sistema simula sa private companies, local government unit, hanggang sa level ng barangays. At bibigyan po ng national government ang local government ng kagamitan para labanan ang COVID-19,” ani Dizon.
Tiwala si Dizon na makakatulong sa implementasyon ng mga programa ng National Action Plan against infectious diseases ang pagiging bukas ng mga lokal na pamahalaan na makipag-partner sa national government.










