Mariing itinanggi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pag-uugnay sa mga community pantry organizers sa mga makakaliwang grupo.
Ayon kay NTF-ELCAC spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., walang kinalaman ang kanilang grupo sa red-tagging sa mga community pantries at mga organizers ng mga ito.
Haka-haka lamang aniya ito ng mga grupo na malilikot ang utang dahil ang kanilang counter-insurgency task force ay sinisilip lamang ang sitwasyon sa mga community pantries para matiyak na walang ibang agenda ang mga organizers kundi tumulong lamang sa kapwa.
Tumanggi si Parlade na gamiting ang salitang “profiling” sa paglalarawan nito ng kanilang ginagawa dahil masyado aniyang kontrobersyal ito pagdating sa ibang mga tao.
Dagdag pa ni Parlade, ilang mga netizens ang umalerto at humiling sa NTF-ELCAC na puntahan ang mga community pantries, dahil mayroon aniyang nagsusubong sa kanila hinggil sa “agitation” at “propaganda materials” sa ilang mga pantries.
Kahapon, napilitan ang mga organizers ng Maginhawa pantry dahil sa red-tagging issues.










