-- Advertisements --

Pansamantalang isasara ang main office ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Quezon City.

Sarado simula Hulyo 23 hanggang 26 ang main office ng NTC matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga empleyado.

Nabatid na sa ngayon ay naka-quarantine na ang naturang empleyado pati na rin iyong mga nakahalubilo nito.

Isinara ang NTC office dahil sa disinfection procedures na isasagawa rito.