-- Advertisements --
image 437

Nagbabala ang National Security Council sa publiko hinggil sa mga ipinapakalat na hoax ng mga makakaliwang grupo laban sa gobyerno.

Ito ay kasunod ng naging pag-uulat ng Philippine National Police na nanawagan sa mga otoridad ang dalawang menor de edad na sina Jhed Tamano, at Jonila Castro.

Kung maaalala, ang dalawa ay una nang iniulat ng mga makakaliwang grupo na dinukot umano ng mga uniformed personnel.

Ayon sa opisyal, sa kabila nito ay nagsagawa pa rin ng fund raising ang mga makakaliwang grupo at nangolekta ng pera mula sa publiko na gagamitin daw umano ng mga ito upang hanapin ang mga nawawalang estudyante, ngunit kalaunan ay napag-alaman din ng mga otoridad na ang mga ito kusang nagbitiw sa kanilang kinaaanibang underground organization ng mga ito.

Samantala, sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng NSC sa PNP, partikular na sa Anti-Cybercrime Group nito para sa pagpoproseso ng mga case build up laban sa scammers sa tulong na rin ng Department of Justice.