-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang kasapi ng New Peoples Army sa engkwentro ng militar sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang nasawi na si Kalisa Kumpow,myembro ng Guerilla Front Daguma East and West, Sub-Regional Command Daguma (SRC-Daguma), Far South Mindanao Region (FSMR).

Ayon kay 603d Brigade Commander Colonel Michael Santos na nakasagupa ng tropa ng 7th Infantry Battalion Philippine Army ang mga rebelde sa bahagi ng Barangay Midtungok Palimbang Sultan Kudarat.

Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok sa magkabilang panig at umatras ang mga NPA.

Narekober ang bangkay ni Kumpow at nakuha sa kanyang posisyon ang isang M16 Armalite rifle,mga bala at magasin.

Sa kabilang banda, sinabi ni Brigadier General Eduardo Gubat, Acting Division Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central na “Hangga’t maaari, ayaw naming masayang ang buhay, dahil ayaw naming makitang nahihirapan ang mga pamilya sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay”.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang clearing operation ng militar sa bayan ng Palimbang laban sa mga NPA.